Una sa Balita

Toni, Luis, Robi tsugi sa bagong ‘ASAP’?

0 2,847

Sa pagbabagong-bihis ng ASAP starting this Sunday, marami ang umaasang mas lalabas ang pagi­ging variety show nito sa maraming aspeto.

Kung dati-rati ay mistula lang itong “concert event” ng halos lahat ng mga kilalang singer at dancer ng showbiz, this time around daw ay mas lalagyan na ito ng “laman at substance.”

At ang lahat ng ito ay na-timing sa pagbabalik-network ni Regine Velasquez-Alcasid na hindi lang basta magiging isa sa mga prime host ng show, kundi magkakaroon din ng kanyang sariling “segment” at kaugnay pang segment na na-inspire ng kanyang mga kanta.

“Malaki ang pagbabago with her in the show. ‘Yung mga mala-chopsuey na portion, mag-iiba na. Of course, ‘yung mga reliable performer and host plus ‘yung dini-develop namin young performers ay nandiyan pa rin, pero lahat ng ‘yun nakaangkla sa mga gaya nina Gary, Ogie, Sarah, at Regine nga, and the rest,” sey ng aming kausap.

Kaya naman natawa kami sa nakuha naming sagot nang itanong namin kung saan na mapupunta ‘yung mga gaya nina Toni Gonzaga, Luis Manzano, Robi Domingo at iba pang segment host ng ASAP? Sagot ng kausap namin, “nandiyan pa rin sila. Kasama sila du’n sa ‘the rest.’

Aguyyy! Kaabang-abang nga ang Sunday na ­darating!

 

Alessandra, Paolo movie nakakapanghinayang

Nakakapanghinayang naman ang magandang feedback, word of mouth at reviews ng mga nakapanood ng movie nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

Ten of out ten kasi ang nagsasabing napakaganda nito at very relatable. Sayang nga lang daw dahil hindi gaanong kumikita at malamang na na-pull out na sa mga sinehan.

Sey ng isang kaibigan sa media na nakapanood na, “kumpara naman du’n sa mga sinasabing maganda, ‘di hamak na lamang ang ‘Through Night and Day’ movie nina Alex at Paolo. Mukhang may mali lang sa naging promo nila.”

Nagpakalbo na nga at lahat si Alex para marahil may bagong pag-uusapan, pero tila hindi naging intresado ang movie-going public.

Basta kami, this weekend ay naisama namin sa aming plano na panoorin ito. Sana lang ay may abutan pa kaming sinehan na palabas ito.

Naniniwala kasi kami sa aming nakausap na puring-puri ang movie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy