Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Toni kaelya-elya ang alindog

0 183

Hindi nabigo ang mga fan ni Toni Gonzaga sa inaasahan nilang mapapanatili ng kanilang idol ang model type body nito kahit walang masyadong project, sa gitna ng pandemya.

Muling ibinalandra ni Toni sa madla ang kanyang Hollywood figure sa ilang bathing suit shot nito na kuha sa bakasyon nila sa Boracay.

Pinahanga ni Toni ang mga kasamahan sa industriya sa mas maangas niyang body figure.

Makikita sa larawang nakaposte sa Instagram ang slim-body ni Toni na maihahalintulad sa ilang mga Hollywood star. Kitang-kita sa mga toned-biceps, triceps at mga hita nito na alaga sa work out ang katawan nito.

Kung hindi kilalang artista si Toni, aakalain ng maraming isa siyang fashion model at wala pang anak.

Kumpara sa kanyang kapatid na si Alex, mas maayos ang porma ng pangangatawan ni Toni. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.