Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Toni, Andrew kinasasabikan sa abroad

0 93

Magtutuluy-tuloy ang tandem nina Andrew E., Toni Gonzaga kahit naiproklama na bilang Presidente at Vice President ang kanilang sinuportahan na sina Bongbong Marcos, at Inday Sara Duterte-Carpio.

Ni-repost ni Andrew sa Instagram ang photo nila ni Toni, na may caption na “Soon”…Sabay Sabay! Bagong Pilipinas.”

Pinasabik ni Andrew ang mga follower niya sa kung ano ang tinutukoy niyang aabangan sa kanila ni Toni, kaya naman may mga humula sa kanilang comment na posibleng dalhin ng dalawa ang kanilang tandem sa concert abroad.

Sabi ng isang ‘Marites’ “World Tour” na ang kasunod ng tambalan nina Andrew, Toni dahil may mga schedule ng concert ang rapper-actor sa ibang bansa.

Well, alam naming hindi tatanggi sa concert series abroad si Toni lalo at nasasabik na itong kumanta sa mga OFW. Lalo na at ramdam na ramdam na nga ang pagkasabi ng mga Pinoy sa ibang bansa kina Toni, Andrew. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.