Una sa Balita

Tongpats ng mga shipping line putulin!

0 264

HINILING ng dalawang kongresista sa tatlong ahensiya ng gobyerno na kontrolin ang sobra at mga kuwestiyonableng destination charge na pinapataw ng mga shipping line at ng kanilang ahente sa bawat container dahil ito ang nagpapataas ng presyo ng inangkat na produkto.

Sa House Resolution No. 198 na inihain nina Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie L. Ong at ACT-CIS Party-list Eric Go Yap, kinalampag nila sa Department of Trade and Industry, Department of Transportation and Communication at Department of Finance ang mga mataas na destination charge na pinapataw ng mga shipping line at kanilang ahente.

Dahil aniya sa mataas na import cost, nakapagdudulot ito sa pagtaas ng inflation at sapul dito ang mga consumer.

“Import costs are escalated prima­rily by exorbitant and questionable ‘destination charges’ imposed by international shipping lines or their agents, with no authority or regulation by the government, which can jack up costs as much as 50 times the actual freight rate and, according to a study, amount to as much as 98% of total fees imposed by shipping lines,” ayon sa reso­lusyon nina Ong at Yap.

Kabilang sa kanilang kinukuwestiyon ay ang container deposit na sinisingil hanggang US$400 bawat container; container cleaning fee sa halagang US$25 bawat container kahit hindi naman nililinis ang container; terminal handling cost at document fee.

Ang iba pang sinisingil ay container imbalance charge, emergency cost recovery surcharge at iba pa.

Hinihiling ng dalawang mambabatas na isulong ng kinauukulang komite ng Kamara ang pagtanggal sa container deposit charge, pagkakaroon ng sariling container yard ng international shipping line at ipagbawal ang illegal detention ng container dahil lamang sa hindi nakapagbayad ng deposit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy