Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tomador na senior nalunod

0 76

Sa sobrang kalasingan, natagpuang patay ang isang 66-anyos na lolo nang mahulog sa banca na nagsisilbi niyang tirahan at tuluyang nalunod sa Tanza, Cavite.

Hinihinilang may ilang oras nang patay si Cesar Dela Pena, binata, isang caretaker ng Brgy Julugan 3, Tanza, Cavite nang mamataan.

Sa ulat ni Pat. John Paul Cruz ng Tanza Municipal Police Station, alas-3:30 Lunes ng hapon nang matagpuang patay ang biktima sa ilog ng Salinas-Julugan sa Brgy Julugan 1, Tanza, Cavite.

Ayon sa mga nakakakilala sa senior citizen na biktima, lasenggero ito . Wala rin inuuwiang bahay ang biktima at ang bangka nito ang kanyang pahingahan.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Dela Pena. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.