Una sa Balita

Tom todo handa sa teleserye nila ni Janine

By
0 677

abante-talbog-joe-barrameda

Bakasyon to the max ang mag-irog na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Sapporo sa Japan kung saan inabot na sila ng Va­lentine’s Day. Kaya doon sila nagdiwang ng Araw ng mga Puso.

Samantala, abala rin si Tom Rodriguez sa preparasyon ng bago ni­yang teleserye with Janine Gutierrez. Nag-a-undergo siya ng training kasama ang mga professional paddler ng Dragon Boat Race.

Hirap man daw siya ay tinitiis niya para makasabay siya sa mga propes­yonal na nagsa­sagwan sa competition.

Nag-aaral din daw ng wikang Chinese si Tom para rin sa teleserye.

Samantala selebras­yon ang peg ng Entertainment Dept. ng GMA dahil lahat ng bago nilang teleserye ay nangunguna sa mga ratings. Ang “TODA One I Love” ay umabot sa 10.1 ang ra­tings. Ang “Onanay” ay natalbugan na rin ang “General’s Daughter” ni Angel Locsin. Mukhang wala silang makitang magandang mapapanood sa teleserye ni Angel at si Jo Berry with Nora Aunor ang tinututukan ng mga televiewer. Kaya aaba­ngan ko itong “Kara Mia” na pinagpipiyestahan sa social media. Maingay na maingay ito to the point na marami ang nagpo-post ng dalawang mukha nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Sa hapon naman ay painit nang painit ang mga eksena sa “Kari­bal Ko Asawa Ko” habang awayan nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz ang pinanonood sa “Ina­gaw Na Bituin” at take note wala pang eksena sina Kyline Alcantara at Therese Malvar. Kaya minsan ayokong lumabas ng bahay para tutukan ang mga teleserye.

Ken Chan pararangalan sa galing

Panahon na para bigyan ng award o recognition si Ken Chan sa magaling ni­yang performance sa “My Special Tatay.” Ang ga­ling-galing ni Ken bilang special person sa pagga­nap niya rito.
Nakakagulat ang galing niya.

Kung buhay lang si Kuya Germs ay proud at maipagmamalaki niya ang anak-anakan ni­yang si Ken.

Jeric walang angal sa TF

Natapos man ang “Ika-5 Utos” ay hindi nabakante si Jeric Gonzales. Kabi-kabila ang mga guesting niya sa iba’t ibang programa sa GMA. Bukod diyan ay marami rin siyang out-of-town show na paborito siyang kunin. Ang maganda kay Jeric madali si­yang kausap at walang reklamo sa TF o budget. Kahit mababa ang budget ay pinapatulan niya kaysa mabakante siya.

Naiintindihan niya kung limitado ang bud­get ng ibang kumukuha sa kanya. Kaysa nga naman mapunta pa sa iba ay gagawin na niya kung bakante siya.

Imbes na mag-goodtime sa mga bakanteng araw niya ay sa gym niya ibinubuhos ang panahon niya. Hindi rin mahilig gumimik gaya ng ibang artista na laging laman ng mga gimikan. Mas gusto pa niyang ibuhos ang panahong libre sa pamilya niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy