Una sa Balita

Tom Rodriguez madalas makakita ng engkanto

0 312

Habang ini-interview namin si Tom Rod­riguez, nag-drawing pa ito kung paano ang blocking nang maka­kita raw siya ng anino noong bata pa siya. Nasa malaking Spanish house sila nakatira sa Subic, after nang sumabog ang Pinatubo.

Para raw siyang sinusundan ng anino kahit noong nasa Samar siya. Kinuwento raw niya ito kay Roy Alvarez na sinasabing may third eye.

Actually, bukod kay Tom, ang ibang kapatid din niya ay nakakita rin daw. Sabi raw ni Roy, engkanto raw ang nakikita niyang anino.

Eh, ilang horror films na ang nagawa ni Tom at kuwento pa nito dati during the set na sa dami nila, siya lang ang may naramdaman o nakita.

At ang bagong movie ni Tom ay ang horror film na “Maledicto” na showing na sa May 1. Unang pelikula rin ito na prinodyus ng FOX Original Production na co-produced din ng Cignal at Unitel.

Dahil nga sa mga ganu’ng experience ni Tom kaya ang girlfriend niya na si Carla Abellana ay pinabaunan talaga siya ng bracelet charms.

Pari ang role ni Tom sa “Maledicto,” pero siya raw ang klase ng pari na lahat naniniwalang may scientific reasoning kaya nagka-clash sila ni Jasmine Curtis Smith na isang madre at very religious ang belief.

Hindi naman daw takot si Tom na gumawa ng mga horror films kaya tinanggap niya ang “Maledicto.”

“Hindi naman, usually I take myself out of that. Hindi rin ako matatakutin.”

Sanya super hanap ng boylet

Tuesday pa lang ay lumipad na papunta ng Japan si Sanya Lopez kasama ang kapatid na si Jak Roberto at ang girlfriend nito na si Barbie Forteza.

Bakasyon na raw nila ito for the Holy Week at excited si Sanya. Looking forward ito sa mga Japan food daw. Walang keber si Sanya kahit na puwede na siyang ma-tag na “Pambansang Third Wheel” dahil palagi siyang kasama ng dalawa sa mga bida ng primetime series ng GMA-7 na “Kara Mia” na sina Jak at Barbie.

Sabi naman ni Sanya, “Yes, makiki-third wheel ako sa kanila. Sabi ko nga, maghahanap ako ro’n. Hahaha!

“Pero kasi, ang maganda rin po sa kanila, hindi ako nao-o.p. (out of place). Okay si Barbie na makisama.”

Ang maganda raw talaga sa JakBie, kasundo niya talaga si Barbie. Magaan daw ang loob niya rito.

Ilang araw lang daw sila sa Osaka, Japan. Pare-pareho raw silang tatlo na may mga taping. Siya naman, nagsimula nang mag-taping para sa bago niyang afternoon prime, ang “Nang Dahil sa Pag-Ibig.”

Nagbiro si Sanya na sa Japan daw siya maghahanap ng magiging boyfriend.

Sa isang banda, kahit NBSB which means, “no boyfriend since birth” ay hindi raw talaga siya nagmamadali. Sobrang happy raw niya sa mga opportunity na binibigay sa kanya ng network.

Tulad na lang ngayon kunsaan, siya ang bida na naman sa “Nang Dahil sa Pag-Ibig” kasama sina Winwyn Marquez, Pancho Magno at Benjamin Alves.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy