Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tom, Kyline paglalaruan ng drayber sa ‘Catch Me Out PH’

0 96

Ang dami-raming naaliw kay Jose Manalo bilang host ng Catch Me Out Philippines. Gamay na gamay na kasi ni Jose ang paglalaro, pagpi-perform sa harap ng maraming tao.

Sabi nga ni Jose, hindi siya katulad ng ibang host, na seryoso ang atake, dahil siya nga, lahat ay dinadaan niya sa pagpapatawa. Hindi rin siya ang tipo ng host na nagmememorya ng mga linya, dahil mas gusto nya na galing mismo sa sarili niyang isip o lengguwahe ang lumalabas sa kanyang bibig.

Anyway, ngayong Sabado (March 6, 7:15pm) saksihan ang panibagong spectacular showcase of Filipino talents sa Catch Me Out Philippines.

Si Maiko ay isang mall employee na may dalawang anak, na nag-aral ng Binasuan, a colorful and lively Filipino folk dance that requires performers to balance wine-filled glasses on their heads and palms.

Makilala kaya nila si MAIKO sa apat na mananayaw?

Well, si Ken naman ay isang tricycle driver who learned the art and skill of Flair Bartending. Can his juggling skills convince viewers that he is a professional and not an amateur?

Sina Maiko and Ken will perform separately with three professionals in their respective production numbers.

Anyway, 10 na celebrity catchers – who are present in the studio, will guess kung sino ang amateur sa mga performer na ito.

Ang mga catchers ngayong Sabado ay sina Kim De Leon, Lexi Gonzales, Kyline Alcantara, Betong, LJ Reyes, Klea Pineda, Will Ashley, Donita Nose, Faye Lorenzo, and Mike Tan.

Ang amateur na makakakumbinsi sa mga celebrity catchers na

Professional siya ay mag-uuwi ng P100,000.

Siyempre, manggugulo ang mga resident spotters na sina Kakai Bautista at Derrick Monasterio. At si Tom Rodriguez naman ang guest Spotter.

Ang Catch Me Out Philippines ay prodyus ng GMA Network’s Entertainment Group (BDD2). At mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.