Una sa Balita

Tom itinangging live-in na sila ni Carla

By
0 3,189

May pinaplano raw sanang pakulo si Tom Rodriguez para sa girlfriend na si Carla Abellana ngayong Valentine’s Day, ‘yun nga lang, biglang magkahiwalay raw sila sa mismong araw ng mga puso. Dapat daw ay magkasama sila sa Dubai kaso, hindi siya napayagan dahil sa schedules niya.

With Tom, sigurado na siyang si Carla na talaga ang babaeng gusto niyang makatuluyan at may mga plano na raw siya. Kaya raw trabaho siya nang trabaho para makaipon.

Tanong nga namin kay Tom, posible kayang nga­yong taon na maganap ang proposal?

“Kapag nanalo ako sa lotto, baka bukas! Hahaha! But no, seriously, when it comes to the person, there’s really no question. It’s really just that we don’t take it lightly especially for our personal experiences.

“I’m hoping that it’s very soon because I’m not getting any younger.”

Naunahan na nga raw siya ng kapatid niya at may baby na ito. In a way, ready na rin naman daw siya at hindi naman daw niya nakikita ang sarili na bachelor forever.”

Kahit matagal na rin silang magkarelasyon at nasa plano naman ang pagpapakasal, may sari-sarili raw silang property ni Carla nang tanungin namin tungkol sa live-in set-up.

Going back to their Dubai plan, mahihirapan talagang makaalis si Tom dahil bukod sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang The Cure, heto’t busy na siya sa promotion ng pelikula nilang tatlo nina Lovi Poe at Erich Gonzales na The Significant Other ng Cine Ko at ipalalabas na sa February 21.

Paolo walang boyfriend sa V-day

Kung sakali at gagawa raw si Paolo Ballesteros ng sarili niyang libro, ang gusto raw niyang gawin ay ang mga make-up transformation niya. Kumpara kay Mark Bautista na nagpaka-controversial sa ginawang libro, para kay Paolo, hindi na raw niya nakikita ang sarili na kailangan pa niyang gumawa ng tell-all book.

“Alam na yata ng tao ang lahat sa akin,” natatawa niyang sabi.

“Araw-araw na nila kaming nakikita sa Bulaga. Tingin ko naman, alam na nilang lahat. Wala naman na kong tinatago.”

Sabay dugtong na, “May Instagram naman, Hahaha!”

Siyempre, aware rin si Paolo sa ginawang rebelasyon ni Mark. Hindi naman daw sila nagkaroon ng pagkakataon pa ni Mark na magkasama kaya more on ‘hi and hello’ lang daw sila kapag nagkikita. Pero, anong naging reaksiyon niya sa ginawa ni Mark?

“Hinanap ko ang number niya, charot! Hahaha!”

Pipigilan niya sana?

“Hindi, sasabihin ko, hey, what’s up?”

Katulad ng iba, bumilib din si Paolo kay Mark at natapangan sa ginawa nito.

“Mahirap gawin ‘yun, e.”

Diretsuhang tinanong si Paolo nang makausap ng press sa ginanap na presscon ng bago niyang pelikula sa VIVA Films, ang Amnesia Love kung may ideya na siya sa bahaging ‘yun ng buhay at pagkatao ni Mark.

Sinabi naman niyang hindi raw dahil hindi naman daw sila ‘yung magkaibigan na close talaga.

Anyway, umamin naman si Paolo na loveless daw siya ngayong Valentine’s Day since his last relationship. But since may post-Valentine’s movie nga siya na Amnesia Love sa February 28, ang leading lady niya rito na si Yam Concepcion ang puwedeng ka-Valentine’s niya.