Una sa Balita

Tom bumigay sa ‘Dalagang Pilipina’ challenge

0 355

abante-i-know-better-jun-nardoAng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang latest na kumasa sa patok na patok nga­yong “Dalagang Pilipina” challenge. Ginawa ni Tom ang challenge habang nasa beach siya.

Lumabas ang video ni Tom sa Instagram account mula sa @dragonladykaramia. May pahawi-hawi ng buhok, pa-smile-smile, pa-cute si Tom, huh!

Take note, hindi lang si Tom ang gumawa ng challenge dahil nagpasiklab din sa challenge ang co-star niya sa “Dragon Lady” na si Edgar Allan Guzman.

Guwapo, cute, pogi ni Tom ang pare-parehong komento ng nakapanood sa challenge na ginawa ng boyfriend ni Carla Abellana.

Robin gustong mamatay na bayani

Inabangan ni Robin Padilla ang pagtanggal ng t-shirt ni senatorial candidate Bong Go para makita kung meron nga siyang tattoo sa likod. Binanatan kasi ang dating Special Assistant to the President na miyembro siya ng umano’y grupo na may kaugnayan sa droga.

Sa Instagram pic ni Robin, nakaturo ang daliri niya sa likod ni Bong para patunanayan na wala siyang tattoo.

“Akala ko na may tattoo si Heneral Bong Go sa likod? Inabangan ko talaga ang pag-alis niya ng t-shirt para ako mismo ay makita ko ang katotohanan!

“Dahil sa lakas ng otso otso sa social media at main stream media pati ako nagka-interes na ma­laman. Kaya eto ko nagimbal sa nakita ko sa likod ni BONG GO!

“Hindi po totoo kundi bentosa ng albularyo ang bumula sa akin hahahaha ang bentosa ay kapatid ng hilot!” bahagi ng caption ni Robin.

Buwelta niya sa mga kritiko ni Go, “Kapag naghamon kayo yun totohanin niyo sapagkat ‘di ko kayo aatrasan…Huwag niyo ako subukan otso otso matagal na akong nakapagpaalam sa asawa ko at mga anak. Batid nila ang aking nais na mamatay ng isang bayani at ang papatay ay dayuhan ayaw ko ng kapwa Pilipino.

“I am ready just tell me when otso otso. I am wil­ling to die for my country and for my people. I’m begging you otso otso let do this and be martyrd.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy