Una sa Balita

Tolomia bumirada; Meralco kumubra vs RoS

By
0 182

TULOY ang pananalasa ng Meralco, kinuryente naman ang Rain or Shine, 92-81, sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi.

Sa likod ng balanseng scoring ay tinuhog ng Bolts ni Norman Black ang pangatlong sunod na panalo ay 4-6 card sa PBA Governors’ Cup.

May kumukuti-kutitap pang tsansa sa quarterfinals ang Meralco, kailangan munang alpasan ang huling asignaturang San Miguel Beer sa Nobeyembre 3 at umasa na sasapat ang 5 wins para umusad.

Top 8 lang ang aabante sa playoffs pagkatapos ng 11-game eliminations.

Nabaon sa 2-6 ang Elasto Painters, magkukumahog din na maipanalo ang huling apat para makaabante.

Anim na Bolts ang umiskor ng 10 pataas, sorpresa ni Black si Mike Tolomia na may 17 points mula sa 6 of 12 shooting at 3 for 7 sa 3-point range.

May 19 points at 20 rebounds si Allen Durham sa Bolts, nag-deliver ng 14 si Cliff Hodge at 12 si Chris Newsome. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy