Una sa Balita

Tolentino umakyat sa 9th place ng Pulso ng Pilipino survey

By
0 389

HABANG patuloy ang pamamayagpag ni Senadora Grace Poe sa mga pre-election senatorial surveys, hindi nagpadaig dito si dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino matapos itong makapasok sa Magic 12.

Sa resulta ng isinagawang survey ng Pulso ng Pilipino noong Enero 25 hanggang 31, 34 percent voter preference mula sa 1,200 respondents ang nakuha ni Tolentino.

Lumusot si Tolentino sa ninth to tenth place mula sa dating 17th-18th place at kadikit na nga­yon si dating Interior Secretary Mar Roxas.

Ito na ang pinakamataas na puwestong nakuha ni Tolentino.

Ang ilang reelectionist na kabilang sa Magic 12 ay sina Senador Cynthia Villar, Sonny Angara, Nancy Binay, Koko Pimentel at JV Ejercito.

Pasok din sa winning circle sina Taguig Representative Pia Cayetano, dating Presidential Assistant Bong Go, dating Senador Lito Lapid at dating Senador Jinggoy Estrada.