Una sa Balita

Tolentino suportado ni Pacquiao

0 527

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, ­Bulacan — Hinding-hindi pa rin nalilimutan ni 8-­division champion Senador Manny “Pacman” Pacquiao ang kabutihang ginawa sa kanya ni administration sena­torial bet Francis Tolentino noong siya’y nag-uumpisa pa lamang sa mundo ng boksing.

Sa kick-off rally ­nitong Huwebes ng gabi para sa mga pambatong kandidato sa Senado ng Partido Demokratiko Pili­pino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Lungsod ng San Jose del Monte, hindi lamang inendorso ni Pacquiao si Tolentino bagkus ay inilahad din niya ang kabutihang ­ginawa ng dating Tagaytay City mayor noong nag-uumpisa pa lamang siya sa industriya ng ­professional boxing.

Giit ni Pacquiao, bago pa man siya nakilala sa larangan ng boksing, isa na si ­Tolentino sa mga ­unang naniwala sa kanyang talento.

Paliwanag ni Pacquiao, si Tolentino na noo’y alkalde pa lamang sa Lungsod ng Tagaytay ang kauna-unahang opisyal ng gobyerno na nagbigay sa kanya ng para­ngal matapos niyang mapanalunan ang World Boxing Council (WBC) flyweight (112 lbs) belt noong patumbahin niya si Thai boxing legend Chatchai “Dutch Boy” Sasakul noong 1998.

Paliwanag pa ni Pacquiao, bago pa man naging masugid niyang tagahanga ang mga kilalang politiko kagaya nila dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson at dating ­Manila Mayor Lito Atienza, si Tolentino ay tahimik nang sumusuporta sa kanyang mga naunang laban sa loob ng boxing ring.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy