Una sa Balita

Tolentino pabor din sa pag-atras sa mga palaro

0 349

UNA kay Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang kaligtasan ng mga atleta.

Kaya hinikayat ni Tolentino ang mga National Sports Associations at ibang grupo na may kaugnayan sa POC, na ihinto muna ang pagsasama ng mga atleta at pagsagawa ng mga sporting event dahil na rin sa pamiminsala ng Coronavirus Di­sease o COVID-19 outbreak.

Sinundan ng POC ang Philippine Sports Commission sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez na nagkansela ng kanilang mga aktibidades upang mapangalagaan ang kalusagan at kaligtasan ng mga atleta at coach.

Binasag ni Tolentino ang katayuan ng POC sa nasabing bagay Biyernes ng hapon.

“We must always put the safety of athletes, coaches, officials and spectators at the very top of our priorities,” aniya.

“We therefore urge all National Sports Associations and other groups associated with the POC, to heed the call for prudence and await official announcements from appropriate agencies with regards this issue.” (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More