Una sa Balita

Tolentino pabibo; Ogunsanya kumamada

0 245

TWICE-TO-BEAT!

NAKUHA ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles ang isa sa dalawang twice-to-beat bonus sa paparating na UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kasunod ng pagwalis Miyerkoles, Abril 24, sa Adamson University (AdU) Lady Falcons 25-16, 28-26, 25-17 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tumibay ang kapit ng Lady Eagles sa top spot hawak ang 11-2 win-loss record habang ligwak naman ang Lady Falcons sa ikasiyam na dikit na talo para sa 1-12 panalo-talo baraha.

Pinamunuan ni opposite skipper Kat Tolentino ang Lady Eagles sa dinagit na 17 puntos, 12 mula sa atake, kasama ang limang butata.

Sa unang laban, walang awang dinurog ng three-time defen­ding champions De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang University of the East (UE) Lady Warriors 25-17, 25-26, 25-19.

Mainit sa opensa si veteran middle blocker Aduke Ogunsanya, kumamada ng 10 puntos, 8 mula sa atake, isang block at isang service ace para ibigay sa Taft-based squad ang 10-3 win-loss record at patatagin ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang twice-to-beat advantage papasok sa final four.

Huling asignatura ng Lady Spikers ang FEU Lady Tamaraws (8-5) sa Linggo sa parehas na venue. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy