Una sa Balita

Tolentino nanguna sa Hugpong kampanya sa Pampanga

0 434

PINANGUNAHAN ng senatorial candidate na si Francis Tolentino ang pagsisimula ng pangangampanya ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa isang campaign caravan sa San Fernando, Pampanga.

Isa sa mga unang dumating si Tolentino sa ­nasabing event na ginanap sa kapitolyo ng lalawigan, at dinaluhan din ni Davao City Mayor Sara Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-­Arroyo.

Sa naging talumpati ni Tolentino, sinabi nito ang umano’y mga nangyaring iregularidad noong 2016 election na umagaw sa tsansa nito para ­maging senador.

Matatandaang naghain ng election protest si Tolentino, na dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ­naging political adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte, makaraang matalo kay dating Justice Secretary Leila de Lima noong nakaraang halalan.

Kabilang si Tolentino sa mga kandidato sa ­pagka-senador na ineendorso ng HNP at Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy