Una sa Balita

Tolentino may papulong sa NSA na nais mag-SEAG

By
0 49

TINATAWAGAN ni Philippine Olympic Committee chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang siyam na national sports association na nais mapabilang ang kanilang mga sport para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa.

Kailangang dumalo ng pulong ang mga ito kay Tolentino, siya ring PHL SEA Games Organizing Committee Sports Department chair at Integrated Cycling Federation of the Philippines prexy, ang e-sports, ice skating, karate, pentathlon, rowing, sambo, surfing, traditio­nal boat race at wrestling, sa Lunes, Oktubre 15 ng alas-2:00 ng hapon sa POC sa PhilSports Complex, Pasig City.

“I hope the officials of these sports who have not had a final meeting with our committee will see us this coming Monday. Otherwise, we might be forced to delete them from the list. We have been waiting for them and a lot of other sports are also interested to be included,” ani Tolentino, na isa ring Cavite 7th Dist. Rep. “We want to know which ones are really interested.”

Abante Hiring – IT dep

Hinirit niyang kritikal ang nakatakdang pulong dahil dito na pagpapasyahan ang pinaleng listahan ng sports na pagmimiti­ngan naman sa SEA Games Council sa Maynila sa darating na Nobyembre 23-24.

Inisyal na nagsumite ang Sports Dept. ng 53 sport para sa 2019 SEAG, pero tumaas na sa anim sa pinagpulungan ng council sa Bangkok, tatlong linggo na ang nakararaan.