Una sa Balita

Tolentino, Choco Mucho nilunod ang BaliPure

0 271

buwena mano!

IPINAGPAG ni Kat Tolentino at Choco Mucho F­lying Titans ang BaliPure Water Defenders, 25-12, 25-18, 25-18, Miyerkoles sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Hindi lumaro si Bea De Leon pero dominado pa rin ng Flying Titans ang Water Defenders.

Nanguna si Tolentino na may 14 puntos, Maddie Madayag na umiskor na 11 markers at Acy Masangkay na nagtala nga 18 excellent sets.

Kahit hindi starting six, dumiliber rin si legendary Manilla Santos-Ng para sa Choco Mucho ng dalawang service aces.

“Well sa totoo lang super excited ako to play but at the same time may kaba kasi it’s been a long time pero kanina nung naka-serve ako, pumasok siya, medyo nagkaroon ako ng kumpiyansa and thankful ako na nabigyan ako ng ganong chance,” sabi ni Santos-Ng.

Samantala sa second game, winalis ng Creamline Cool Smashers ang Motolite sa loob ng tatlong set, 25-14, 25-15, 25-14.

Namuno sa atake si superstar Alyssa Valdez at si Jema Galanza na may 15 points at 12 points, ayon sa pagkakabanggit, habang may 18 digs at siyam na receptions si Kyla Atienza. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy