Una sa Balita

Tolentino, Choco Mucho igagapos ang Pacific Town

0 211

HAHATAWIN ni Kat Tolentino at Choco Mucho Flying Titans ang Pacific Town Army Lady Troopers Miyerkoles alas-dos nang hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Panalo agad sa debut game ang Flying Titans nang pabagsakin ang BaliPure Water Defenders, 25-12, 25-18, 25-18, noong Agosto 14.

Pinamunuan ni Tolentino ang Choco Mucho sa kanyang 14 points, nagdagdag si Maddie Madayag ng 11 markers at may 18 excellent sets, 13 digs at dalawang puntos si setter Acy Masangkay.

Samantala, galing din sa panalo ang Lady Troopers nang pataubin ang BanKo Perlas Spikers, 25-23, 25-23, 17-25, 25-20.

Bumida sina open spiker Jem Gutierrez at Royse Tubino na humataw ng 22 at 19 points, ayon sa pagkakabanggit.

Susundan ito ng laban ng BaliPure at Philippine Air Force Lady Jet Spikers alas-kuwatro nang hapon, at BanKo Perlas kontra Creamline Cool Smashers alas-sais nang gabi. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy