Una sa Balita

Tolentino, Choco hahambalusin ang Chef’s

0 258

Mga laro Sabado/Agosto 25:
(FilOil Flying V Centre)
4:00pm — Chef’s Classic vs Choco Mucho
6:00pm — Creamline vs PetroGazz

PIPILITIN ni Kat Tolentino at Choco Mucho Flying Titans na makabalik sa win column kaya papatirin ng mga ito ang Chef’s Classic Lady Red Spikers alas-kuwatro, Sabado nang hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Ibubuhos ng Flying Titans ang lahat upang makaahon sa pagkalugmok na kanilang sinapit sa kamay ng Pacific Town Army Lady Troo-pers nitong Miyerkoles, 41-39, 25-19, 19-25, 20-25, 12-15.

Kulang ang 23 points ni Tolentino gayundin ang 15 markers ni middle attacker Maddie Madayag.

Samantala, galing rin sa pagkatalo ang Chef’s Classic kung saan winalis ang mga ito ng Creamline Cool Smashers, 12-25, 5-25, 15-25.

Walang Lady Red Spikers ang nakaabot sa double digits, pitong puntos lang ang naitala ni Nieza Viray at limang puntos naman para kay Jinggay Bangad.

Sa kasalukuyan, 1-1 winnloss record ang marka ng Choco Mucho habang wala pang napapanalo ang Chef’s Classic sa dalawa nitong laban.

(Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy