Una sa Balita

Tolentino, Ateneo dinagit ang Semis!

By
0 3,132

DINAGIT ng Ateneo Lady Eagles ang University of Santo Tomas (UST) ­Tigresses, 3-2, sa kanilang paghaharap sa ­second round ng UAAP Season 80 women’s indoor ­volleyball ­tournament sa FilOil Flying V Arena.

Pinangunahan ni Kat Tolentino ang kanilang koponan na may 21 points, 17 ­attacks, 2 blocks at 2 aces.

Umayuda si Jho Maraguinot ng 17 points, si Maddie Madayag ay may 11, at ipanatili ang Lady Eagles na walang talo sa ikalawang ikutan ng torneo.

Nakuha ng Lady Eagles ang unang set ngunit agad namang nakabawi ang Tigresses at sinakmal naman ang number 2 at 3 sets pero hindi pa rin sumuko ang mga taga-Katipunan at kinuha ang huling dalawang set, 25-22, 20-25, 16-25, 25-17, 15-9.

Nakuha ni Lady Eagles coach Tai Bundit ang kanilang panglimang sunod na panalo para hablutin ang ikalawang posisyon para sa F4 na nakatutok sa prime­rang karibal na DLSU Spikers, sa kartadang 9-3 panalo-talo.

Ito na ang pangsiyam na sunod na taon na nakapasok ang Lady Eagles sa ­playoffs.

Dahil sa pagkatalo ng UST, lalo silang nalagay sa dalisdis na puwestong makapasok pa sa Final Four, tangan ang 4-8 marka gayung may dalawang laro na lang silang nalalabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy