Una sa Balita

Tolentino, adviser ni PDU30

By
0 3

Ipinuwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino bilang “political adviser”.

Sa inilabas na listahan ng mga bagong talagang opisyal na ipinadala sa mga mamamahayag kahapon, nabatid na pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Tolentino noong Hunyo 27.

Itinalaga rin ang singer-politician na si Anthony Castelo bilang director ng Bataan Shipyard and Engineering Company; dating actress na si Michelle Ortega, assistant secretary sa Department of Tourism; ex-Batangas City Councilor Ma. Kristine Balmes, deputy executive director ng Philippine Commission on Women; Media Accreditation and Relations Office (MARO) Director Florentino Loyola Jr. bilang Presidential Communications Operations Office assistant secretary; ex-PCOO Assistant Secretary Mia Reyes-Lucas bilang bagong PCOO undersecretary.

Abante Hiring – IT dep

Hinirang din si Amable Aguiluz bilang Special Envoy of the President to the Gulf Cooperation Council.