Una sa Balita

Tolentino abangers sa pwesto ni Alohi

0 239

NAKARESERBA ang Ateneo open hitter na si Kat Tolentino para sa Philippine Women’s Volleyball Team sakaling hindi makakuha ng kailangang Philippine passport ang isa sa tatlong Fil-Ams na si Alohi Robins-Hardy para makalaro sa iho-host ng bansa na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang sinabi ni Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) Secretary General Ariel Paredes bago umalis patungong Bangkok, Thailand ang pambansang koponan na unang sasabak sa 12-araw na training camp bago sumabak sa pocket tournament kalaban ang apat hanggang limang commercial na Thai teams.

“I have yet to see the recent lineup after magsabi si Jaja at Dindin na hindi makakalaro. But iyung situation natin with Robins-Hardy, naka-reserve for that slot si Kat Tolentino,” sabi ni Paredes.

Orihinal na 20 manlalaro ang nasa listahan ng LVPI bago nagkulang ng dalawa sa pagkawala nina Jaja at Dindin.

Dalawang manlalaro din na kabilang sa National pool ang nagpasabi na hindi na makakasama sa koponan na si Jessica Margarett Galanza ng Adamson University at Celine Domingo ng Far Eastern University.

Malalaman ang opisyal na komposiyon ng 14 players na lalaro sa SEA Games matapos ang training camp at pagsali ng koponan sa Southeast Asian Gran Prix. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy