Una sa Balita

Tokyo Disneyland isasara sa COVID-19 outbreak

0 306

PANSAMANTALANG isasara sa publiko­ ang Tokyo Disneyland dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19, kung saan umabot na sa 214 ang kumpirmadong kaso sa nasabing bansa.

“Tokyo Disneyland and Tokyo DisneySea have decided to proceed with an extraordinary closure from Saturday Feb. 29, 2020, through Sunday March 15” ayon sa statement ng ope­rator ng theme park kasunod ng utos ng gobyerno ng Japan para malimitahan ang pagkalat ng COVID-19.

Inaasahan na sa March 16 ay magbabalik operasyon na ang theme park, ngunit ibabase pa rin ito sa sitwasyon ng virus outbreak.

“Currently, we plan to reopen on March 16. But we’ll decide when to open by looking at the situation and developments. We’ll also consult agencies concerned,” ayon sa pamu­nuan ng Tokyo Disneyland.

Nasa 30 milyon ang bumibisita sa Tokyo Disneyland at DisneySea kada taon, na sinasabing pinakapopular na tourist destination sa Tokyo.

Bukod pa dito, pinag-utos ni Japan Prime Minister Shinzo Abe na isara muna ang mga eskuwelahan sa loob ng isang buwan, at ine-encourage­ din ang pagtatrabaho mula sa bahay. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More