Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tokhang vs aktibista kakalkalin sa Kamara

0 105

NAGHAIN ng resolusyon ang anim na miyembro ng Makabayan bloc at pinaiimbestigahan sa Kamara ang planong tokhang operation laban sa mga aktibista at kritiko ng gobyerno sa Cordillera region.

Sa kanilang House Resolution 1607, sinabi ng mga kongresista na iligal ang Resolution 4 series of 2021 na inilabas ng Cordillera Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC).

“It is imperative for members of Congress, as representatives of our people, to defend the rights of our people and check on excesses and violations committed against them, especially in the time of crisis,” saad ng resolusyon.

Nakararanas na umano ng paglabag sa kanilang karapatan ang mga aktibista sa Cordillera gaya ng sinapit ni Windel Bolinget, chairman ng Cordillera Peoples Alliance.

Nagpalabas umano ng shoot-to-kill order ang pulisya kay Bolinget na iniugnay sa isang kaso ng pagpatay sa Davao del Norte, isang lugar na hindi pa nito nararating.(Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.