Una sa Balita

Tokhang surrenderee tinaniman ng bala

By
0 11

Patay ang isang drug surrenderee sa Oplan Tokhang matapos na ito’y pagbabarilin ng dalawang kalalakihan sa Barangay Parian, Calamba City, Lagu­na kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Elmer Nevalga Santos, 41-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba Police, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima at ang mga suspek na sina Arthur Plaza at isang kasama nito.

Sa kainitan ng pagtatalo bumunot umano ng baril si Plaza at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na namatay agad sa pinangyarihan.