Una sa Balita

Toilet bowl inuwi ng ex-senator

0 537

Kabago-bago lang Senado, agad na inalipusta ng mambabatas na ito ang kanyang magiging bagong opisina.

Biruin mo kasi, nilait-lait ng mam­babatas na ito ang kanyang magiging tanggapan na ayon sa kanya ay sobrang napakadugyot.

Nang bisitahan kasi ng mambabatas na ito ang kanyang magi­ging tanggapan, naimbiyerna dahil bukod sa dark ang kulay ng wall ng room, eh sobrang baho daw ito.

Kaya naman inutusan nito ang mga nagre-repair ng kanyang tanggapan na kiskising mabuti ang pader at palitan ng magadang kulay para naman magmukhang kaaya-aya ang kanyang tanggapan sa kanyang magiging mga bisita sa darating na mga araw.

Nagyabang pa ito na malayong-malayo daw kanyang bagong tanggapan sa dati niyang opisina na bukod sa napakaluwag eh napakabango daw nito.

Lalo pang nabuwisit ang mam­babatas na ito na makita ang comfort room kung saan wala daw itong toilet bowl. Tinanggal daw kasi ng mga staff ng dating senador ang bowl sa CR kaya kailangan pa niyang magpalagay ng bagong bowl. Sino siya?

Clue: Kilalang kilala ang bagong senator na ito sa pagiging tactless. May letrang O ito sa kanyang apelyido samantalang ang dating senador ay may letrang T, as in Toilet.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy