Una sa Balita

Together again?

By
0 360

Nakaraang Huwebes binuksan ng Comelec ang pagtanggap sa certificate of candidacy ng mga kakandidato, pati na ang mga “payaso” na planong kumandidato sa darating na 2019 mid-term elections.

Agad namang nagbabala na may kasamang pakiusap ang Comelec na huwag naman sanang gawing “circus” ang besinidad ng kanilang tanggapan sa paghahain ng COC na tatagal hanggang sa susunod na linggo [Oktubre 17]. Kadalasan kasi, may kaniya-kaniyang pakulo ang ilang kandidato tulad ng pagdadala ng mga banda at sangkatutak na supporters.

Ngunit maliban siguro sa pag-aabang kung sino-sino ang mga tatakbong senador, tiyak na aabangan din kung anong posisyon ang tatakbuhan nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at ang dati niyang ka-tandem sa Senate hearing na si Senador Antonio Trillanes IV.

Tapos na kasi ang termino ni Trillanes bilang senador at may posibilidad na siya ang tumakbo o gawing nominado sa kanilang party-list group na Magdalo, na hawak ni Rep. Gary Alejano, na tatakbo namang senador.

Samantala, sa kaniyang Facebook post, may himig na ng pamamaalam sa Palasyo si Cayetano bilang kalihim ng DFA. At gusto ngang bumalik sa Taguig-Pateros.

Related Posts

Bago kasi naging senador si Cayetano kung saan nakasabay at naging buddy-buddy niya sa mga pagdinig si Trillanes para imbestigahan noon si dating Bise Presidente Jejomar Binay, naging kongresista muna ang kalihim.

Pero gaya nga ng pag-ibig na paminsan-minsan eh walang “forever,” unti-unting tumabang ang relasyon ng dalawa at nagkabanggaan bago pa ang 2016 elections kung saan pareho pa silang tumakbong bise presidente, at pareho ring natalo.

Kapag nanalo si Cayetano, aba’y malaki pa sa ulo ng ET ang posibilidad na maging Speaker siya ng Kamara. At kung manalo naman si Trillanes at magpapatuloy ang kanilang hidwaan ni Caye­tano, puwedeng siya naman ang maging House minority leader.

Kung mangyari nga ito, sino kaya sa kanila ang magsasabi naman ng, “hindi kita papopormahin?” Abangan natin ang susunod na kabanata. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy