Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Todo pagpapaseksi na: Karla handa na sa Daniel, Kathryn kasal 2022

0 118

Wow, ang bongga lang dahil maraming nakakapansin na malaki na ang ipinayat ni Karla Estrada.

May mga nagsasabi ngang posibleng nagpapapayat ang nanay ni Daniel Padilla dahil may pinaghahandaan siyang important event sa buhay ng kanyang panganay.

Well, mukhang pinalalabas ng iba na nagpapapayat si Karla dahil may chika ngang next year na magpapakasal si Daniel at ang girlfriend nito na si Kathryn Bernardo.

Pero hindi kaya mismong kasal niya sa boyfriend na si Jam Ignacio ang dahilan ng pagpapapayat ni Karla?

Naku, sabi naman ng isang nakachikahan ko, health reason daw kaya nagpapapayat na ang isa sa mga host ng “Magandang Buhay”.

Pero tama rin naman, Dondon (my dear editor), dapat lang naman na ang main reason ng pagpapapayat natin ay para sa good health, ‘di ba?

Anyway, at least, tagumpay si Karla dahil patuloy nga siyang lumiliit, huh!

Ang bongga!

Maja dedma sa GMA-Lloydie meeting

So, wala si Maja Salvador nang magkita sina John Lloyd Cruz at GMA-7 executive Atty. Annette Gozon-Valdes (na naka-post sa Instagram account nito), pero hindi naman nangangahulugang walang alam ang mga taga-Crown Artist Management, Inc. sa meeting na ‘yon ng aktor at ng isa sa Kapuso Network executives.

Very much aware sa bagay na ‘yon ang mga taga-CAM (management company ni John Lloyd). Sa katunayan, kasama ng aktor sa meeting na ‘yon ang boyfriend ni Maja na si Rambo Nuñez, pati si Mikki Gonzalez, na mga kasosyo ng aktres sa nasabing management company.

Wala si Maja sa meeting na ‘yon dahil may dinner sila ni Yanee Alvarez, sister ni Rambo, pero after naman daw ay nagkita-kita ang mga taga-CAM at kasama pa rin nila si John Lloyd.

Sitcom pa lang daw ang napag-usapan sa meeting na ‘yon (na kasama rin si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz).

Ang tungkol sa sinasabing exclusive network contract deal ni John Lloyd sa Kapuso Network, kailan naman kaya pag-uusapan?

Well…

Leave A Reply

Your email address will not be published.