Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Todo lambingan sa balsa: RK Bagatsing jackpot sa kaseksihan ni Jane Oineza

0 173

Magdyowa ba sina Jane Oineza at RK Bagatsing?

Malaking palaisipan sa mga netizen ang tunay na ugnayan ng dalawa matapos nilang i-post ang kanilang mga larawan sa Instagram na iisa lang ang lokasyon, ang Caliraya.

Nagposte si RK ng mga photo nito habang nasa isang balsa na may bahay. Long shot ang kuha gamit ang drone.

Nag-pose naman si Jane sa parehong balsa habang nasa veranda ng balsa. Nasa loob ang kamera at kinunan nito ang sarili.

Mukhang walang balak na itago nina Jane at RK ang kanilang pagsasama dahil nakasulat sa location part ng IG ang lugar kung saan sila naroon.

Anyway, marami naman ang kinilig sa naiisip nilang romansa sa dalawang Kapamilya star.

Aprubado ng kanilang mga fan ang relasyon ng dalawa dahil parehong libre at walang sabit sina Jane at RK.

Samantala, palaban na rin talaga sa hubaran itong si Jane na nagpasampol ng kanyang kaseksihan sa Instagram habang nasa Caliraya, kung saan nandoon din si RK.

Malinawag na natunghayan ng mga netizen ang kaseksihan ni Jane sa two-piece ensemble na suot nito. Nakasuot ng high-waist panty cut si Jane at puting hanging-shirt.

Dahil patagilid ang anggulo ng aktres sa larawan, kitang-kita ang toned abs nito. Sa itsura at suot ni Jane, hindi nito kailangan ng skimpy bikini o ‘yung tinatawag na “labas-pepe” swimwear, dahil sa suot na lang nito umaalingasaw na ang sex appeal nito.

Ang suwerte ni RK kay Jane dahil kung totoong siya ang dyowa nito, sya lang ang nakasungkit sa bango at ganda ng aktres.

Napapa-“sana all” ang mga barakong nagpapantasya sa alindog ni Jane.

Paglipad ni Ian pumalapak

Nawalan ng cellphone at nawalan din ng gas si Ian Veneracion habang nasa ere sakay ng parachute na may malaking propeller sa likod nito, na nagsisilbing tumutulak paitaas at paglipad ng sinasakyan nito.

SM food to go Banner Ad

Sa unang post ni Ian na kasama si Ilac Diaz, ibinahagi ng aktor na nawala ang cellphone niya sa ere, pati na si Ilac.

Pero, balewala kay Ian ang pagkalaglag ng cellphone niya, dahil mas importante nga raw ang narasan niyang adventure.

Sa video post naman nito sa IG, mapapanood na biglang tumigil ang elisi sa likod ni Ian. May kasama pa si Ian sa paglipad nito na nag-alala nang husto.

Dahil gina-guide at pinapalipad sila ng parachute, nagawang mag-landing nang ligtas nina Ian.

Kung bagito siguro sila, baka pinaglalamayan na sila sa mga sandaling ito.

Pero sa bagong trip na ito ni Ian, nadagdagan na naman ang pogi points niya. Kaya asahang makakapanood na tayo ng maraming aktor na susubok sa ganitong adventure.

Lea feeling 18 years old

Kung ang iba ay ikinalulungkot, ikinahihiya ang pagtanda sa edad na 50, ipinagbunyi naman ni Lea Salonga ang pagtungtong niya sa golden age.

Nakaposte sa Instagram ng award-winning international Broadway star ang kasabihan ng pagiging isa niyang golden girl.

“50. I’m 18 with 32 years of experience!” sabi ni Lea.

Patunay na excited si Lea sa haharaping buhay ngayong 50 na siya.

“50 today!!!! Woo-hoo!!!” tila sumisigaw na say niya.

Natuwa ang maraming artist sa kaarawan ni Lea, na lahat ay bumati sa kanya, tulad nina Sharon Cuneta, Apl.de. Ap, Rhap Salazar, Erik Santos, Regine Velasquez, Ogie Alcasid at marami pang iba.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.