Una sa Balita

Todo hubaran sa pelikula haharangin ng MTRCB

By
0 3,330

Uhaw na uhaw na nga ba ang mga manonood sa bold movies? Matagal-tagal na ring hindi nakakapanood ng mga ganung tema ng pelikula ang mga Filipino.

May isang director kaming nakausap na nagsabing gusto niyang ibalik ang ganung genre. At katunayan, si Myrtle Sarroza sana ang gusto niyang gawing bida.

May mga producer rin na nagbabalak pasikatin pa nang husto si Nathalie Hart, ang pinakamatapang na artista ngayon sa larangan ng paghuhubad. Dahil nga sa pelikulang Sin Island, marami ang nagka-interest kay Nathalie, at kahit ang mga bading ay aliw na aliw sa kanya, dahil babaeng bading nga raw ang pagkatao nito.

Anyway, mukhang sinisimulan na nga ng mga producer ang paggawa ng mga pelikula na seksi ang tema. Bukod sa Sin Island na may boobs exposure si Nathalie, usap-usapan din ang pum­ping scene naman ni Tom Rodriguez sa Significant Other movie nila ni Lovi Poe at Erich Gonzales.

Anyway, sa chickahan namin with MTRCB Chairman Rachel Arenas, malinaw ang panuntunan nila, na puwede ang breast exposure, pero hindi dapat babad na babad, o hindi ipinapakita para makapagpapainit ng mga manonood.

In short, bawal gamitin ang mga bahagi ng katawan ng mga artista para paalsahin ang kaelyahan. At siyempre, tutol na tutol sila sa porno. Hinding-hindi nga lulusot sa panahon ngayon ang pagpapalabas ng mga porno movie.

Pero aminado si Chair Arenas na mas kaya nilang i-tolerate ang sex kesa sa violence. Sa sex nga naman, puwedeng may pagmamahalan, romansa. Pero sa violence, wala, kundi madugong patayan lang talaga.

Korina hindi nakilala ng mga kaibigan

Halatang-halata ang pagbabago sa mukha at katawan ni Korina Sanchez, na sabi nga ay nagmukhang bata, vibrant and beautiful. Marami nga ang hindi nakakilala sa kanya sa billboard na inilantad sa EDSA for Belo Thermage.

At kahit daw ang mga kaibigan ni Korina ay paulit-ulit na sinisipat ang naturang billboard, kung si Korina ba talaga ‘yon.

At yes, ang pagbabago ng itsura ni Korina ay dahil kay Vicki Belo. Ini-encourage nga ng misis ni Mr. Mar Roxas ang lahat ng kababaihan na panatilihin ang kanilang kagandahan, at pagiging mukhang bata.

At ang sikreto ng tighter, more rejuvenated skin ni Korina ay ang Belo Triptique, a unique combination of treatments to achieve a tighter, more contoured skin; Belo Thermage, a non-invasive procedure that delivers tighter skin, renewed facial contours and healthier collagen ideal for women 35 years old and up or to anyone who wants to look refreshed and reverse signs of aging with no downtime.