Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Todo hagulgol: Gerald niregaluhan ng sasakyan ang ina

0 804

Pinaiyak nang husto ni Gerald Anderson ang ina niya, dahil sa bonggang sorpresa ng aktor sa huli. Hindi makapaniwala ang nanay ni Gerald sa ginawa ng anak, na walang kaabog-abog na binigyan siya ng pick-up truck.

Nakaposte sa Instagram ni Gerald ang kagandahang loob na ginawa niya sa ina. Mapapanood ‘yon sa YouTube channel ng aktor.

Ipinaliwanag ni Gerald sa video na hiling ng ina niya na magkaroon ng sasakyan. Bagamat, hindi alam ni Gerald kung kailan siya makakabalik sa trabaho, pero tinupad pa rin niya ang hiling ng ina.

Parang isang eksena sa pelikula ang paghahatid ng sasakyan ni Gerald sa ina. Inumpisahan ito sa pagbibigay ng mga bulaklak sa nanay niya, na naka-farmer outfit pa noong mga oras na ‘yon.

At isinunod nga ang sasakyan na may ribbon pa, kaya talagang napahagulgol ito sa sobrang tuwa.

Sabi pa ng nanay ni Gerald, alam niyang wala nang pera ang anak pero nagbigay pa ito ng sasakyan sa kanya. Tuwang-tuwa si Gerald sa reaksyon ng nanay nya.

Zsa Zsa certified magsasaka na

Kina-career na talaga ni Zsa Zsa Padilla ang pagiging magsasaka, at kumuha pa siya ng crash course sa organic farming. Matagal na ngang may farm sina Zsa Zsa at dyowa niyang si Arch. Onglao sa Quezon province.

At mula sa pag-develop hanggang sa pagtatanim ay tinutukan talaga ito ni Zsa Zsa. Nakaposte sa Instagram niya ang certification ng paga-aral niya ng organic farming mula sa Costales Agricultural and Skills Development Institute sa Majayjay Laguna.

Kailangan ni Zsa Zsa na matutong magtanim lalo at bukas na sa publiko ang kanyang “Esperanza Farm”. Bawal nga lang ang mag-overnight dahil sa pandemic.

‘Spooky’ ni Liza naudlot sa palpak na internet

Bigong makapag-online si Liza Soberano, kaya nag-sorry ito sa kanyang mga fan. Bongga sana ang “Spooky Life With Liza” na hindi nga nangyari dahil sa estado o pagkawala ng kanyang internet.

“Hello everyone. I’m so sorry to keep you waiting all night. There were some difficulties with my internet. I will be posting tomorrow at 9pm,” sey nito.

Habang isinusulat ko ito, hindi pa nagaganap ang ‘Spooky…’ kaya hindi pa ako sigurado kung natuloy ito o hindi.

K Brosas naloka sa mga nag-panic buying

Kabilang si K Brosas sa tinamaan ng panic buying nitong Lunes, isang araw bago ipatupad muli ang MECQ. Sa kanyang tweet, ibinahagi ng komedyana ang naranasang haba ng pila sa pinuntahang grocery.

Ipinaliwanag niyang regular ang pagu-grocery niya tuwing Lunes kahit wala pang lockdown at pandemic. Kaya niya niya akalaing susugod ang mga tao na nag-panic buying n ga.

“Dito ako ngayon grocery kc sched ko talaga today kahit ‘di pa announce ang mecq na ‘yan. Dahil bulagaan eto haba ng pila kc malamang madaming nataranta,” sey niya.

Resto ni Nash Aguas lugi na

Dahil sa naluluging negosyo ay papasukin na rin ni Nash Aguas ang personal na pagtitinda ng kanilang produkto. Bago nag-pandemic ay may mga branches na si Nash ng ramen resto niya.

Isa sa mga naapektuhan ng pandemya ang business ng aktor, na nagbabawal sa mga dine-in. Kaya nag-concentrate si Nash sa online selling at delivery ng kanilang ramen.

At si Nash na mismo ang tumutulong sa pagde-deliver nito. Makikita sa Instagram ni Nash na inaalok niya ang kanyang serbisyo sa mga mago-order for delivery.

“Ako ang magtitinda. Kaya sa mga kaibigan ko dyan umorder kayo ha!” sabi ni Nash.

Lola ni Yasmien sa Kuwait pumanaw na

Sa Instagram na lang pinagkasya ni Yasmien Kurdi ang pagdadalamhati sa pagyao ng kanyang Kuwaiti mother na si Laila Maamari Kurdi.

“I love you so much Teyta Laila Maamari Kurdi. Where ever you’ll be, you’ll always be in my heart. Rest in Peace Grandma…” sabi ni Yasmien.

Kahit gustuhin ni Yasmien na pumunta ng Kuwait para makiramay, hindi ito maaari dahil sa lumalaking kaso ng Covid-19.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.