Una sa Balita

Todo emote sa IG: Iñigo ‘di maka-move on sa namatay na fan

By
0 646

Tagos sa puso ang kuwento ni Iñigo Pascual tungkol sa kanyang fan na pumanaw. Sa instagram ng aktor, ibinahagi niya ang madalas niyang pagdalaw sa kanyang cancer patient fan.

Kamakailan nga ay pumanaw na at may mahabang mensahe ang aktor para sa naturang fan.

“If I could only feel your hug one more time.. If I could only hear you laugh again.. I cant believe this is happening… Maraming Salamat Arnie. I will carry you in my heart forever, with e­very performance and song I write..” emosyonal na pahayag ng aktor para sa pumanaw niyang fan.

Makalipas ang ilang araw, muli siyang nagbahagi ng post na hindi pa rin siya maka-move on sa pagkawala ng nasabing fan. Mukhang talagang napalapit na nga sa puso ng aktor si Arnie.

Sa recent post ng aktor, kitang nakayakap siya sa fan niya at nilagyan niya ng caption na “im coming to see you my angel! We miss you so much!” at naka-tag pa rin si Arnie.

Labis na hinangaan ng mga fan ang pagpapahalaga ni Iñigo sa kaniyang yumaong fan. Hindi lamang niya basta tinuring bilang fan kundi tinuring na rin bilang parte talaga ng buhay niya. Bumuhos rin ang pakikiramay ng ilang mga fan sa aktor.

Laking tuwa ng mga fan na maayos napalaki si Iñigo ng kanyang mga magulang lalo na ang ama na si Piolo Pascual na bali-balita rin na mataba rin ang puso pagdating sa mga taong nagmamamahal at sumusuporta sa kanila.

Talaga nga namang nag-reflect sa mga magulang ni Iñigo, lalo na si Papa P ang act of genuine love ng aktor.

Hiling ng mga fan na mas marami pa silang fan na ma-touch pa ang puso. Sana rin daw ay hindi lamang sila ang artistang may ganitong puso para sa mga fan na naghahanap ng pagmamahal mula sa kanilang mga iniidolo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy