Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Todas sa sumirkong trak, 11 na

0 42

Pumalo na sa 11 ang nasawi sa trahedya sa bayan ng Balingasag, Oriental Mindoro matapos na bumaligtad ang isang elf truck.

Batay sa report, papunta sana sa outing ang magpapamilya at magkakabarangay nang mawalan umano ng preno ang sinasakyan nilang trak at bumaligtad.

Nasa 43 umano ang sakay ng trak nang sumirko ito, ayon kay Balingasag municipal police chief Major Teodoro De Oro.

Kabilang sa nasawi ang 3-anyos, dagdag pa ni De Oro kung saan 3 pa sa nasawi ang kanilang

kinukumpirma.

Ang nasabing bumaligtad na trak ay bahagi ng convoy ng tatlong trak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.