Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Todas kay `Maring’ pumalo na sa 13

0 65

UMAKYAT na sa 13 ang bilang ng mga namatay at siyam ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Maring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nabatid sa NDRRMC na dalawa sa nasawi ay sa Ilocos Sur, isa sa Cagayan, apat sa Palawan, at anim sa Benguet.

Tatlo naman sa Benguet ang sugatan at 9 ang nawawala.

Kasabay nito ay sinabi ng NDRRMC na kabuuang 21,511 katao o 6,111 na pamilya ang apektado ng bagyo mula sa 237 barangays sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, at Cordillera.

Habang 5,852 na indibidwal o 1,513 families ay nananatili sa 99 evacuation centers.

Nakapagtala ng 53 insidente ng pagbaha kung saan 40 ang humupa na, sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga, at Cordillera. Mayroon ding 14 na insidente ng landslide.

Umabot naman sa 42 na kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan sa Ilocos, Cagayan, Mimaropa, at Cordillera. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.