Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Todas kay `Jolina’, 17 na – NDRRMC

0 12

Umabot na sa 17 katao ang nasawi, pito ang nawawala at nasa 24 ang sugatan sa paghagupit ng nagdaang tropical storm Jolina sa ilang parte ng Calabarzon, Mimaropa at Eastern Visayas region.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 81,000 pamilya o nasa 313,000 katao ang naapektuhan ng pagbayo ng bagyong Jolina na nagdulot ng malakas na pag-ulan at hangin.

Nasa 13,061 katao naman mula sa Calabarzon, Mimaropa at Eastern Visayas ang inilikas kung saan tinatayang nasa 8,924 bahay ang nasira at 432 ang hindi na matuluyan.

Nagkaroon ng limang beses na pagbagsak ang bagyong Jolina sa Eastern Visayas at isang beses na pagbayo sa Bicol region noong Lunes hanggang Miyerkules at tuluyan nang lumabas ng bansa noong Huwebes. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.