Una sa Balita

TODA official tinodas habang natutulog

By
0 2

Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi nakila­lang lalaki habang natutulog sa Pier 4, Tondo, Manila kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakila­lang si Carlos Madrid Jr., 28-anyos, taga-394 Area B, Gate 14, Parola Compound, Tondo.

Samantala, mistula namang walang anumang nangyari nang naglakad ang hindi nakilalang lalaki matapos ang pamamaril.

Abante Hiring – IT dep

Batay sa ulat ni SPO1 Reynaldo Ferrer, ng Manila Police District (MPD) – Station 2, alas-2:20 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa kahabaan ng Road 10 kanto ng Zaragosa St., sa Tondo, sa harapan ng NortPort Terminal.

Natutulog ang biktima sa tabi ng kanyang tricycle nang bigla na lang la­pitan ng ‘di kilalang suspek at binaril sa likurang bahagi ng ulo bago tumakas.

Sa pahayag ng ilang saksi, narinig nito ang isang malakas na putok na inakalang may sumabog na gulong subalit la­king gulat ng mga ito nang makitang duguang humandusay ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay umalis ang suspek ngunit nang makitang gumagalaw pa ang biktima ay muling pinaputukan dahilan upang masawi ito.

Nang siyasatin ang katawan ng biktima ay nakita sa pag-iingat nito ang ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu kaya isa sa tinitingnang anggulo ay may kinalaman sa bawal na gamot.