Una sa Balita

TNT-San Miguel duel namumuro sa q’final

By
0 436

TINAMBAKAN ng NorthPort ang TNT 109-83 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, at naglaho ang tsansa ng KaTropa na makakuha ng twice-to-beat bonus sa next round ng PBA Philippine Cup.

Kung nanalo sana ang TNT ay babaklasin nila sa No. 2 ang 8-3 Rain or Shine at magkakaroon ng win-once advantage laban sa No. 7 seed pagdating ng quarterfinals.

“Sayang talaga (bonus). Wala eh,” ani coach Bong Ravena­ paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum. “Wala kang magagawa kung ganung klase ng laro namin. Hindi ka talaga mananalo.”

Sa second quarter, anim lang sa 20 bitaw ang naipasok ng TNT at naiwan na 53-31 sa halftime. Overall ay 34 of 86 (39 percent) lang sila mula sa field, at 6 of 21 (28 percent) sa free throws.

Sa halip, tinapos ng KaTropa ang 11-game eliminations sa 7-4, nasa fourth spot na sa likod ng angat sa third na Ginebra (6-3). Hindi na mababaklas sa una­han ang Phoenix (9-2).

Depende sa resulta ng mga natitira pang laro, posibleng mapadpad sa No. 3 o No. 4 ang TNT. Ang pairings sa quarter: No. 1 vs. No. 8, No. 2 vs. No. 7, 3 vs. 6 at 4 vs. 5. Twice-to-beat ang 1 at 2, best-of-3 ang iba pang pairing.
Pagkatapos ng 114-96 win ng San Miguel Beer sa Alaska sa se­cond game, inakbayan ng Beermen ang TNT sa 7-4. Pero nasa No. 5 ang SMB. Halos sigurado nang silang dalawa ang magtatapat sa quarters.

Paghahandaan na ng KaTropa sina June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Marcio Lassiter at iba pang crew ni coach Leo Austria.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy