Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

TNT naudlot sa quarters

0 197

Isang hindi inaasahang pangyayari ang pumigil sa nanatiling walang talo na TNT Tropang Giga para makamit sana Linggo ng gabi ang inaasam na quarterfinals slot sa 45th PBA Philippine Cup elims bubble sa Clark Freeport Economic Zone.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kinansela ang dapat sana nitong laro kontra Blackwater matapos na isang player ang hinihinalang magpositibo sa Covid-19 sa nasabing araw sa umaga na nagtulak sa pamunuan ng PBA para ihiwalay at agad na i-quarantine ang hindi pinangalanang miyembro ng Elite.

Maliban sa pag-isolate sa mga kakampi ng Elite player , hinihintay rin ang magiging resulta ng mga confirmatory tests na inaasahang mailalabas sa susunod na mga araw. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.