Una sa Balita

TnT GRAND FINALS, HUMAMIG NG 33.6%

0 129

Mga bulilit naman ang nagsimulang bumida sa Tawag ng Tanghalan Kids sa It’s Showtime simula ngayong linggo, matapos magtala ang kakatapos lang na Tawag ng Tanghalan grand finals ng all-time high na nationwide rating para sa programa.

Sa bulilit version ng paborito at orihinal na kantahan ng bayan, itinanghal na unang daily winner at defending champion si John Clyd Talili ng Mindanao noong Lunes (Marso 13).

Matinding bosesan pa rin ang mapapanood araw-araw pero sa TNT Kids, pero wala nang gong na pipigil sa contenders sa pag-awit.

Isa pang kaibahan dito ay kapag nagwagi na ng limang beses ang isang defending champion, kailangan na niyang ipasa ang golden mikropono at maghahanap muli kinabukasan ng panibagong defending champion ang kumpetisyon.

Tinutukan nga ng buong sambayanan ang pagtupad ng pangarap ng Tawag ng Tanghalan grand champion at magsasakang si Noven Belleza noong Sabado (Marso 11) kaya naman nanguna sa nationwide ratings ang huling tapatan ng kumpetisyon.

Humakot ang number one noontime show ng mas maraming manonood at pumalo sa all-time high na national TV rating nitong 33.6%, o halos triple sa natamo ng Eat Bulaga, na nakakuha lang ng 11.7%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sinubaybayan maging ng netizens ang laban ng kani-kanilang pambato sa livestreaming na nagkaroon ng humigit-kumulang 40,000 viewers – isa sa mga pinakamataas na naitala sa media website ng ABS-CBN.

Mainit ding pinag-usapan sa online world ang grand finalists at performances dahil nanguna ang hashtag na #TnTAngHulingTapatan sa listahan ng trending topics sa Twitter sa Pilipinas at sa buong mundo.

Bukod pa riyan, nakuha rin ng “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” ang 16 sa 20 na local trending topics sa naturang micro-blogging site.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang Tawag ng Tanghalan sa Facebook (facebook.com/TawagNgTanghalan), Twitter (@TNTABSCBN), at Instagram (@TawagNgTanghalan).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy