Una sa Balita

TNT Boys kinabog ang halimaw singer ng Kazakhstan

By
0 1,615

Nakahinga na nang maluwag ang mga Pinoy fan ng “The World’s Best” matapos mag-perform ang “halimaw” singer na si Dimash Kudaibergen of Kazakhstan na ang boses ay nasa octave 6 at well-trained sa classical and contemporary music.

Pagkatapos magpasabog ang TNT Boys, si Dimash talaga ang inabangan ng mga hurado dahil alam nilang manlalamon ito sa nasabing contest.

Nakalaban na ito ni KZ Tandingan sa “China Best Singer 2018” na talaga namang naging very impressive ang mga vocal performance.

Yes, sa mga American judge ay kinabog nga ni Dimash ang TNT Boys dahil naka-perfect score siya na 50 from among the three judge na kinabibila­ngan nina Drew Barrymore, Faith Hill and RuPaul.

Pero sa 50 hurados from all over the world na magbibigay ng tig-iisang points, dalawa dito ang hindi bomoto kay Dimash, kaya nakakuha ito ng total na 98 scores lamang.

Kabog ang TNT Boys na nakakuha ng 49 score sa mga American judge pero sa kabuuan ay nakuha nila ang 99 score which means, lahat ng 50 judges all over the world ay binigyan sila ng score.

Well, iba talaga ang Pinoy noh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy