Una sa Balita

TNT Boys eeksena sa James Corden tv show!

By
0 578

Matapos nilang bulagain ang world stage ng “The World’s Best,” there’s no stopping na talaga sa bagets trio na TNT Boys. Kung matatandaan, ang host ng nasabing show na si James Corden ay nagbiro pa nga na gusto niyang maging ika-4th member ng grupong ito kung papayagan siya nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion, na tinanguan ­naman ng mga bata.

Mukhang naging isa sa mga paborito ng sikat na American actor/comedian ang tatlo, kaya hindi nakapagta­taka nang imbitahin niya ang mga ito sa mismong show niya sa CBS talk show na “Late Night With James Corden.”

Lumipad na ang Pinoy pride noong isang araw kung saan nag-post na nga sila ng kanilang excitement papuntang Los Angeles, California para sa taping with James.

Wala pang sinasabi kung kailan ito ipapalabas, pero marami ang nagsasabing malaking bagay ito para mas lalo pang ma-boost ang pangalan ng tatlo lalo na’t marami ring magagaling na contestant ng “The World’s Best.”

Kinalog na nila ang mundo dahil sa kanilang halimaw na performance, pero malayo pa nga ang kanilang laban dahil kasisimula pa nga lang nito.

Pero, kung ta­lent lang naman ang pag-uusapan, aba, lamang tayo diyan, pero ‘yun nga, depende pa rin ang lahat sa taste ng 3 American judges at ng 50 representative mula sa iba’t ibang panig ng ­mundo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy