Una sa Balita

TNT Boys bubuwagin na?

0 305

Malalagasan na ba ng isang miyembro ang TNT Boys? May bali-ta kasing handa na raw para sa kanyang solo career ang isang miyembro ng TNT Boys na si Mackie Empuerto.

Nakaplano na raw ang magiging career niya at hindi na nga kasama rito ang pagi-ging miyembro ng TNT Boys, na kung saan ay kasama niya sina Kiefer Sanchez at Francis Concepcion.

Pero sa kanyang pag-guest sa “Tonight With Boy Abunda”, pinabulaanan ni Mackie na titiwalag na siya sa pamosong trio nila na nabuo sa pa-singing contest ng “It’s Showtime” na ‘Tawag Ng Tanghalan Kids’ noong 2017.

Nagpaliwanag si Mackie na may ginawa siyang isang pelikula, pero noong gawin daw niya ito, hindi pa raw buo noon ang TNT Boys.

Wala raw siyang planong iwan ang TNT Boys dahil marami pa raw silang mga gagawin na shows na magkakasama.

Nakilala sa buong mundo ang TNT Boys pagkatapos nilang mag-perform sa show na “Little Big Shots” sa UK and Australia noong 2018.

Nag-compete naman sila sa US reality talent competition na “World’s Best” noong February 2019. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy