Una sa Balita

TNC yuko sa Mineski, laglag na sa TI8

By
0 63

Hindi madali ang naging laban para sa dalawang koponan lalo na’t parehong galing Southeast Asia region ang PH-based TNC Predator at Mineski, ngunit isa lang ang kailangang manaig sa kanilang BO1 lower bracket match sa The International 8 sa Rogers Arena, Vancouver, Canada.

Maagang umarangkada ang TNC, tila walang makitang sagot ang Mineski sa matikas na lineup nina Silencer (Kuku). Tiny (Armel), Earth Spirit (Tims), Clinkz (Raven) at Pugna (SamH).

Umakyat pa ang kanilang lamang sa kills ng 20, 28-8, 29 minuto sa laro. Umabot din ng halos 15k gold lead ang abante ng TNC at mukhang sigurado nang makakalusot sa sunod na round.

Ngunit wais ang Mineski. Hindi sumuko. Ayaw padaig.

45 minuto ang nakalipas, handa na sa seige ang TNC sa top lane upang baragin ang tier three tower. Biglang pumasok sa likuran si Moon (Shadow Fiend) tangan ang Double Damage rune at inuuna ang carry na si Pugna. Sunod-sunod nang namatay ang Mineski at walang natira.

Tatlong minuto ang nakalipas, muling nagpamalas ng impresibong team fight ang Mineski nang kanilang lusubin sa loob ng middle lane rack ang TNC. Nanguna si Mushi (Spectre) at pinatay agad si Kuku at carry na si Raven (Clinkz), at naiwan para dumepensa si Tims na walang nagawa sa puwersadong lineup ng Mineski.

Laglag na agad ang TNC dahil sila’y nasa lower bracket, kasama ang kapwa SEA team na Fnatic na tinalo naman ng Team Serenity.