Una sa Balita

TNC Predator, nagpamalas ng epikong comeback

By
0 31

Matapos matalo ng dalawang beses sa nasa tuktok na VGJ Storm, kinailangang makahanap ng butas ang TNC Predator sa kanilang laban sa Chinese Team Serenity upang hindi umuwing luhaan sa Day 3 ng The International 8 sa Rogers Arena, Vancouver, Canada.

Galing sa tatlong nakapanlulumong magkapatid, mukhang walang maidadagdag na panalo ang Pinoy squad TNC Predator sa kanilang salang sa ikatlong araw ng torneo.

Sa gabay ng dalawang carry ng Team Serenity na si Tiny gamit ni Zyd, at Alchemist na kontrol ni XinQ, nahirapan ang kababayan na makalusot ng push sa early hanggang mid game.

38 minuto trangka sa laro, naitulak ng Serenity ang middle tower at barracks, ngunit bumalikwas ang TNC na nakapatay ng apat sa kabilang grupo, tanging si Lich lang ni XCJ ang natira.

Limang minuto ang nakalipas, pinagdiskitahan naman ng China-based team ang bottom rack na tinangka pang pigilan ng Song of the Siren ni Tims’ Naga ngunit naka-push pa rin ang Serenity. 49 minuto ang nakalilipas, dito na naamoy ng Serenity ang nagbabadyang pag-2-0 sa Predator ng maiharabas ang Mega Creeps sa pagkasira ng huling tore sa top lane.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Nagaabang sa jungle ang TNC nang kanilang maispatan ang Gyrocopter, Tiny at Elder Titan na kanilang na-ambush sa 54 minutong marka.

Dito na nagsimulang umarangkada ang Phoenix team ng DOTA 2 na kilala sa kanilang comeback wins.

Sa bisa ng laging nakaka-free hit ang Mirana ni Sam_H at matikas na pushing power ni Kuku kontrol si Phantom Lancer, matagumpay na nakabalik at naipanalo ng koponan ang laban upang tumapos sa balanseng 7-7 kartada sa loob ng tatlong araw, sapat para sa ikatlong puwesto sa Group B.

Samantala, sigurado na sa upper bracket ang Evil Genius (11-3) at VGJ Storm (10-2) matapos mauna sa kani-kanilang grupo. ()