Una sa Balita

TM Sports Para Sa Bayan raratsada na

By
0 5

Hindi kayang pigilin ng kahit na anong aberya ang misyon ng TM Sports Para Sa Bayan na makatulong sa mga batang mahilig maglaro ng football. 

Nasa listahan ng grassroot progam na magdaos ng training camps para sa mga bata sa Sulu at Basilan kahit ibinaba ng gobyerno ang Martial Law sa Mindanao. 

Bukod sa football, naka focus rin ang programa sa basketball at volleyball para sa mga batang may edad 10 hanggang 12 taong gulang. 

Ayon kay Rofil Magto, Citizenship Manager ng Globe, nakipagsanib sila sa Dream Big Pilipinas Football Association para sa mas madali ang kanilang paggalaw at masiguro na rin ang kanilang kaligtasan sa mga lugar na kanilang pupuntahan.

“We plan talaga to go to areas such as Bukidnon, Zamboanga and Sulu. We decided to partner with Dream Big Pilipinas in Sulu because they already have partnership with the Philippine Marines. It also becomes easier for us. We don’t have to send our full force orgcomm in those areas.” pahayag ni Magto. 

Nakarating na ang TM Sports Para Sa Bayan 2017 sa Tacloban at Manila at nakatakda silang tumungo sa Vigan, Ilocos Sur at San Carlos sa Negros Occidental. 

“That has been the goal of Sports Para sa Bayan, to instill values and give these kids a chance to win in life through the channel of sports,” ani Magto. 

Pipili ang mga organizers ng tig anim na boys at girls para ipadala sa Astro Kem Bola football camp sa Kuala Lumpur Malaysia. 

Ang mga top performers ay magkakaroon ng tsansang sumama at mag train sa youth program sa Barcelo, Spain.