Una sa Balita

Tiyan ng pagong nag-mukhang alkansya

By
0 7

Nasa 915 na piraso ng barya ang nakuha ng mga veterinarian sa ­tiyan ng isang sea turtle sa ­Thailand.

Nakita ang mga barya matapos na operahan ang 25-anyos na babaeng green sea turtle na may nickname na ‘Bank’.

Ang mga nakuhang barya sa tiyan ng sea turtle na nakain nito sa mga baryang hinahagis ng mga tao sa pool kung saan ­siya naninirahan sa pani­niwalang ito ay makaka­paghatid ng swerte.

Nabatid na marami kasi sa mga Thais ang naniniwala na ang paghahagis ng barya sa mga pagong ay makakapagbigay ng mahabang buhay.

Ang green sea turtle ay may lifespan na 80 ­taon na ngayon ay isa sa mga itinuturing na endangered species.

Tumimbang umano ng limang kilo ang mga barya sa tiyan nito.

Nalaman na limang surgeons mula sa Chula­longkorn University’s ­veterinary faculty ang nag-opera kay Bank na umabot ng apat na oras.