Una sa Balita

Tiyahin ng Pangasinan mayor pinatay

0 699

Patay ang tiyahin ng isang alkalde sa lalawigan ng Pangasinan matapos pagtatagain ng itak ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng kanyang resort noong Miyerkoles.

Ayon kay Major Apollo Calimlim, officer-in-charge ng Sta. Barbara Police Station sa Pangasinan, hindi muna pinangalanan ang biktima at patuloy pa ang isinasagawang follow-up investigation,

Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang krimen sa resort na pag-aari ng biktima sa Brgy. Alibago, Sta. Barbara kung saan natagpuan na lang ng kanyang anak na duguan at wala nang buhay ang ginang.

Napag-alaman na pinagtataga ng suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan nito at sa kanyang leeg na nagging sanhi ng agarang pagkamatay.

Hinala ng pulisya na pagnanakaw ang dahilan ng pagpatay sa bitima na maaaring nanlaban diumano sa suspek,

Sa ngayon, ayon sa pulisya, hindi pa tukoy ang suspek bagamat kumpleto na ang kanilang mga nakalap na ebidensya na maaaring makapagturo sa pumatay sa biktima.

Ayon kay Major Calimlim, hindi nila nakikita na maaaring maging motibo ng pagpatay ay ang pagiging kamag-anak ng biktima kay Sta. Barbara Mayor Joel delos Santos. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More