Una sa Balita

Tiya inatado ng sariling pamangkin sa Laguna

By
0 3,041

DAHIL sa sobrang kalanguan sa droga, nagawang patayin ng isang lalaki ang kanyang tiya sa Brgy. San Vicente, Biñan City, Laguna kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Marilou Lindo, 54-anyos.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-tres ng madaling-araw ay nagtatapon umano ng basura ang biktima at naghahanda na upang mamalengke nang sugurin ito ng taga ng kanyang pamangkin na si Aljohn Lindo alyas Nonok, 27-anyos, tubong-San Juan, Batangas.

Walang awa nitong pinagtataga ang biktima na tinamaan sa noo, mukha at dibdib na siya nitong agarang ikinasawi.

Umalis na umano ang suspek subalit binalikan pang muli nito ang biktima at muling pinagtataga sa paa.

Agad din itong tumakas matapos ang pananaga subalit naaresto sa Batangas.

Ang suspek ay nasa drug watchlist ng San Juan-PNP kaya ito lumipat sa kanyang tiya sa Biñan City.