Una sa Balita

Tiwali sa PhilHealth kakasuhan

0 232

TINIYAK ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go’ na makakasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa pagnanakaw ng bilyon-bilyong pondo ng ahensiya sa pamamagitan ng mga ‘fraudulent claim’.

Ayon kay Sen. Go, Chairman ng Senate Committee on Health, walang puwang ang korapsyon sa admi­nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi po ako papayag na hindi managot ang mga dapat managot. Kahit sa hu­ling sentimo na pera ng gobyerno ay dapat wala pong masayang dahil iyan ay mula sa kontribusyon ng taongbayan,” pahayag ni Sen. Go.

Sinagot din ng bagitong senador mula sa Davao City ang patutsada ng ilang oposisyon senator na hindi ka­yang parusahan ng adminstrasyong Duterte ang mga corrupt PhilHealth official.

Una rito ay inamin ng mga dating opis­yal ng PhilHealth na may ‘mafia’ sa loob ng kanilang tanggapan na kasabwat umano ang mga tiwaling may-ari ng mga hospital at medical facility kaya naisasagawa ang pekeng claim o refund.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy